Mga Manlilikha ng Bayan

MGA MANLILIKHA NG BAYAN
National Living Treasures

Pangalan
Kategorya
Kadalubhasaan

1993
Ginaw Bilog
Panitikang Bayan
Folk Literature
Panulaang Surat Mangyan Ambahan
Surat Mangyan Ambahan Poetry

Masino Intaray
Tradisyonal na Sining Pagtatanghal
Traditional Performing Arts
Basal, Kulilal, at Tutul

Samaon Sulaiman
Tradisyonal na Sining Pagtatanghal
Traditional Performing Arts
Kutyapi

 1998
Lang Dulay
Paghahabi ng Káyo
Textile Weaving
T’nalak

Salinta Monon
Paghahabi ng Kayo
Textile Weaving
Inabal

2000
Uwang Ahadas
Tradisyonal na Sining Pagtatanghal
Traditional Performing Arts
Tradisyonal na Musikang Yakan
Yakan Traditional Music

Federico Caballero
Panitikang Pabigkas
Oral Literature
Mga Epikong Panay-Bukidnon
Panay-Bukidnon Epics

Alonzo Saclag
Tradisyonal na Sining Pagtatanghal
Traditional Performing Arts
Musika at Sayaw Kalinga
Kalinga Music and Dance

2004
Eduardo Mutuc
Kasanayan sa Metal
Metal Craft
Kapampangan
Silversmith

Haja Amina Appi
Paglala ng Banig
Mat Weaving

Banig Sama
Sama Mat

Darhata Sawabi
Paghabi ng Kayo
Textile Weaving
Pis syabit

2012
Magdalena Gamayo
Paghabi ng Káyo
Textile Weaving
Inabel

Teofilo Garcia
Paglála ng Sambalilo
Hat Making
Tabungaw/Kattukong

MGA KADULABHASAAN

Inabel (Abel Iloko)
Hinábing telang cotton ang Abel Ilokano na itinuturing na sagisag ng mga Ilokano. Kilalá sa mataas nitóng kalidad at tibay, ginagamit ang telang ito sa paglalayag ng mga barkong galeon hábang ang pinakamataas na uri nitó ay maaaring ihanay sa pinakamagagandang produktong linen sa Europa.

Abel Iloko is the iconic handwoven cotton textile of the Ilocano. Highly regarded for premier quality and durability, the textiles were used for sails of galleon ships while the finest were found comparable to the best linen products of Europe. Nowadays, the able Iloko is used for blankets, be covers, draperies and in contemporary fashion.

Tabungaw
Ang tabungaw ay isang tradisyonal na sombrero na gawa sa úpo, isang uri ng halamang baging. Ang sombrerong ito na matibay at hindi tinatagusan ng tubig ay pinalamutihan ng nilálang níto—na itinuturing ding isang likhang-sining dahil sa napakahusay na pagkakalála. Hábang ang panloob na bahagi ng sombrero ay yari sa dalawang nibel ng nilálang níto na may natatanging disenyo upang maging sakto at komportable sa ulo ng magsusuot.

The tabungaw or gourd casque is a traditional headgear made of a gourd. These sturdy and waterproof hats are lined with excellently crafted outer nito weave- a work of art in itself. Meanwhile, the inside of the hat is made of two levels of nito weave that are also uniquely designed to make the hat fit snugly and comfortably on the head.

Likang-Sining na Metál
Ang sining ng paggawa ng alahas na yari sa pilak at ginto sa Filipinas ay nagsimula sa panahon ng paglaganap ng Katolisismo sa bansa. Kasabay ng patuloy na pag-usbong ng mga simbahan ay lumaki rin ang pangangailangan sa mga kagamitan sa pagsasagawa ng misa gaya ng kális, tabernakulo, altar, at iba pa. Ang likhang-sining ay matiyagang ginawa sa pamamagitan ng kamay, mula sa pagguhit at pag-ukit ng disenyo sa kahoy hanggang sa pagpapanday at pagkinis ng metál para lumabas ang detalye ng obra.

The art of producing silver or gold jewelry and crafts in the Philippines flourished with the growth of Catholicism in the country. With the spate of church construction also came the demand for liturgical vessels and objects. Crafts are done painstakingly by hand, from drawing and carving the design on wood to hammering and polishing the metal to bring out the details of the piece.

Banig ng Sama
Ang sining ng paghábi ng banig ay nagpasalin-salin sa henerasyon ng babaeng lahi, dahil hindi nakaugalian ng kalalakihan sa kulturang Sama ang sining ng likhang-kamay. Bawat makulay na banig ay tatlong buwang ginagawa—mulang pag-ani at pagtabas ng matitinik na dahon ng pandan, hanggang sa pagpapatuyo, pagtitina, at pagbuo ng mga heometrikong padron. Ang mga nalilikha ay may kamangha-manghang magkakaugnay na kulay, at malinaw na biswalisasyon at pagkakagawa ng disenyo.

The art of mat weaving is handed down from the matrilineal line, as the men in the Sama culture do not take up the craft. Each colorful mat takes three months to make- from the harvesting and stripping of the thorny pandanus leaves, to drying, dyeing and the execution of the geometric patterns. The resulting products are a marvel of color harmony, precise visualization and execution of design.

Pisyabit
Ang pisyabit ay isang tradisyonal na kasuotang isinusuot bilang pantakip sa ulo ng mga Tausug ng Jolo. Makulay ito, may súkat na 100sm x 100sm, at ginagamit bilang palamúti sa ulo na sumisimbolo sa mataas na katayuan sa lipunan ng maysuot. Sa kasalukuyan, ginagamit ito kahit ng kababaihan sa mga tradisyonal na okasyon o bilang isang balabal o alampay. Ginagamit din ito ng ilan bilang mantel at dekorasyon sa dingding.

The pis syabit is a traditional cloth tapestry worn as head covering by the Tausug of Jolo. It is multicolored, measuring 100cm. by 100cm., used as a head dress symbolizing the wearer’s elevated position in society. Today it is used even by women in its traditional function or as a shawl or a neckerchief. Some even use it as table cover and wall ornament.

Instrumentong Pangmusika ng Yakan
Ang musika ng mga instrumentong ito ay pinatutugtog sa iba’ibang malalaking pagdiriwang sa komunidad. Ginaganit ang kwintangan sa panliligaw at mga selebrasyon, ang kwintangan kayu sa pagharana sa mga palay para sa masaganag ani, ang gabang sa pagpapabatid ng mensahe, at ang peregaya na kombinasyon ng jwintangan, agung, gabbang, kwitangan kayu, gandang, tagutuk, at tuntungan, na gámit sa kasal, gradwasyon, o binyag.

The music of these instruments is the soundtrack to various major events of the community. The kwintangan is used for courtship and celebrations, the kwintangan kayu for serenading the palay for it to yield more fruit, the gabbang for announcements and an ensemble or peregeya, a combination of jwintangan, agung, gabbang, kwintangan kayu, gandang, tagutuk and tuntungan, for weddings, graduations or baptisms.

Epikong Panay-Bukidnon (Epikong Sugidanon)
Binubuo ng sampung epiko, ang sugidanon  ay isang mahabang salaysay na inaawit nang nagpupuri. Nakasentro ang kuwento sa kabayanihan ng isang dakilang mandirigma na kumakatawan sa pangunahing mithiin ng pamanang Panay-Bukidnon. Dahil sa mahabang epikong ito, gayundin ang paggamit ng wikang hindi na sinasalita, ang sining ng pag-awit ng epiko ay halos mawala na kung hindi lamang sa pagsisikap ng gaya ng Federico Caballero.

Composed of ten epics, the sugidanon is a long narrative sang in exalted style. The story centers on the heroic exploits of a semi-divine, warrior character who embodies the main ideals of the Panay-Bukidnon heritage. Owing to the length of the epic, as well as the language used, which is no longer spoken, the art of epic chanting was nearly lost if not for the work of people like Federico Caballero.

Musika at Sayaw Kalinga
Bawat okasyon ay may maindayog na Sayaw Kalinga na sabay sa tunog ng gangsa tampok ang makukulay na damit at mga palamuting suot ng mga mananayaw at musikero. Itinatanghal man sa masasayang pagdiriwang tulad ng seremonya ng kasal o sa panahon ng pagdadalamhati tulad ng pagkakasakit o biglaang pagkamatay ng isang kasapi, ipinakikita sa lahat ng sayaw Kalinga ang iisang paksa: pagkakaisa.

Every occasion has a Kalinga dance with graceful movements done to the beat of the gangsa and featuring a kaleidoscope of colors owing to the elaborate dress and adornments worn by the dancers and musicians. Whether performed during festive occasions, such as a wedding ceremony or in more somber times such as an illness or untimely death of a member, all Kalinga dances reflect one underlying theme: onenes.

T’nalak
Gawa mula sa pinong-pinong hibla ng abaka, ang paggawa ng tela ay dumaan sa napakahabang proseso mula sa paglilinás o pagputol tungo sa mahahabang himaymay hanggang sa paghabi ng masinsing mga disenyo. Ikinukuwento ng telang ito, sa pamamagitan ng mga padrong tulad ng buling langit (mga ulap) at kabangi (paruparo), at nagbibigay ng tuon sa sinaunang kasaysayan ng T’boli. Isa itong obrang mayaman sa ritwal at malalim na kahulugan. Lumilikha ng isang natatanging gandang puwede nating ipagmalaki.

Made from very fine abaca fibers, the production of the cloth is a tedious process from the stripping of the fibers to ”bed-tying” which defines the design. The fabric tells a story using patterns, such as buling langit (clouds) and kabangi (butterfly), and hearkens to the T’bolis’ distant past. It is an artform rich in ritual and steeped in meaning. Creating a unique beauty of which we can all be proud of.

Inabal ng Bagobo
Gawa sa nilinás na mga himaymay ng dahon ng abaka, ang pagpoproseso sa tela ay ginagawa lamang ng kababaihan. Sa kulturang Mindanao, karaniwan nang makikita ang mga disenyong mula sa proseso ng tye-dyeing o patitinà ng ibinuhol na tela. Ang telang abaka ay nakaugalian nang ginagamit bilang kumot, palda, pantalon, o sling bag. Sa kasalukuyan, muli itong idinisenyo at pinroseso tungong mámaháling bag o kasuotan, aksesorya o telang pang-opisina.

Made from stripped fibers of the abaca plant, the processing of the textile is done mainly by women. In Mindanao culture, it is common to see warp tie-dyed designs. The abaca textile is traditionally used as a blanket, wrap-around skirt, trousers or sling bag. Nowadays, it is redesigned and reprocessed into high fashion bags and clothing, office accessories and tapestries.

Surat Mangyan, Tulang Ambahan
Sa lahat ng tradisyong oral ng mga Mangyan, ang ambahan ay napanatili dahil ito ay nakaukit sa mga bumbong ng kawayan gamit ang sinauna at pre-kolonyal na paraan ng pagsulat ng mga Asianong mula sa Timog-silangan na tinatawag na surat Mangyan.  Isang anyo ng tula ang ambahan na may sukat na pipituhin ngunit walang takdang bilang ng taludtod. Inaawit ito at ang mensahe’y malimit na tungkol sa panliligaw hangang sa pamamaalam sa isang kaibigan.

Of all the Mangyan’s oral traditions, the ambahan remained in existence because it is etched in bamboo tubes using an ancient Southeast Asian, pre-colonial script called surat Mangyan. The ambahan is a poetic literary form composed of seven-syllable lines. It is sung and its message ranges from courtship to saying goodbye to a friend.

Bagit at kulilal
Ang tradisyon ng kulilal at bagit ng mga Pala’wan ay nagpapakita ng lubhang matulain at mahiwagang pagkakaugnay ng mga tao sa kalikásan.  Ipinapahayag ng kulilal ang marubdob na pagmamahal sa saliw ng kusyaping may dalawang kuwerdas na pinatutugtog ng isang lalaki, p’agang o kudyaping may maraming kuwerdas at yari sa kawayan na pinatutugtog ng isang babae; habang ang bagit ay isang musikang instrumental na tinutugtog gamit ang kusyapi na naglalarawan sa mga elemento sa kalikásan gaya ng nakatigil na mga dahon o huni ng mga ibon.

The kulilal and bagit traditions among the Pala’wan reflect the intensely poetic and subtle harmony of humans with each other and nature. The kulilal expresses passionate love with the accompaniment of the kusyapi of two-stringed lute played by a man, and p’agang or bamboo zither, played by a woman; while the bagit is strictly instrumental music played on a kusyapi depicting natural elements such as resting of leaves or chirping of birds.

Maguindanaon kutyapi
Ang iba-ibang disenyo, hugis, at sukat ng kutyapi at kilala ito sa iba-ibang pangalan gaya ng kotapi (Subanon), fegereng ( Tiruray), faglong (B’laan), hegelong ( T’boli), at  kuglong o kudlong (Manobo). Isa ito sa pinakamahirap na matutuhan sa mga tradisyonal na instrumentng pangmusika ng mga Filipino. Mayroon lamang itong dalawang kuwerdas, ngunit nakapagbibigay ito ng nakapagandang melodiko at ritmikong tunog, na sadyang nakahahalina dahil sa ibinibigay nitong pakiramdam na payapa, halos tila mahiwaga.

The kutyapi exists in a variety of designs, shapes and sizes and is known by such names as kotapi (Subanon), fegereng ( Tiruray), faglong (B’laan), hegelong ( T’boli) and kuglong or kudlong (Manobo). It is technically the hardest to master among Filipino traditional instruments. It only has two strings, but it is capable of a rich, melodic and rhythmic sound, captivating in its intimate, meditative, almost mystical charm.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*