Unang Bantayog-Wika, Binuksan sa Publiko

Bantayog-Wika
Mga retrato mula kay John Barrios

Noong Marso 1, binuksan sa publiko ang pinakaunang Bantayog-Wika para sa wikang Kinaray-a sa Provincial Capitol Compound, San Jose de Buenavista, Antique.

Nakaukit sa panandang pangkasaysayang pangwika na ito ang tula ni Andres Bonifacio na “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”, gamit ang sinaunang paraan ng pagsulat ng mga Filipino—ang baybayin.

Ang kauna-unahang Bantayog-Wika para sa wikang Kinaray-a ay proyekto ni Senador Loren B. Legarda at ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), katuwang ang pamahalaang panlalawigan ng Antique. Likha ito ng eskultor na si Luis E. Yee, Jr.

Layunin ng proyektong Bantayog-Wika ang pagsasadambana ng mga katutubong wika sa Filipinas sa pamamagitan ng isang pisikal na estrukturang sasagisag sa halaga ng mga wikang katutubo bilang baul ng yaman ng katutubong kaalaman, halagahan, gawi, tradisyon, at kasaysayan ng mga Filipino.

Ayon sa KWF, may higit 100 wika ang iba’t ibang pangkating etnolingguwistiko bukod sa wikang pambansa, ang Filipino, at may walong pangunahing wika (Bikol, Ilokano, Hiligaynon, Kapampangan, Pangasinan, Sebwano, Mëranaw, at Waray). Aling wika kaya ang susunod na maidadambana sa Bantayog-Wika? Abangan!

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*