Alagad ng Sining: Kidlat Tahimik

Kilalang independiyenteng filmmaker si Kidlat Tahimik (Eric de Guia) na lumikha ng mga pelikulang nagsasalimbay ang personal, historiko, at pambansa. Inayawan niya ang pelikulang komersiyal at sa halip ay nanguna at tumulong sa paglikha ng avant-garde na cinema. Inilagay niya ang pelikulang Filipino sa mapang pandaigdig sa pamamagitan ng una niyang pelikula, Mababangong Bangungot, na pinuri ng manunulat na si Susan Sontag na nagsabing ang “imbensiyon, kapangahasan, at halina—kahit ang kawalang-malay—ay maaari pang mapanood sa pelikula.” Ipinakita ni Kidlat Tahimik ang mga posibilidad ng alternatibong paggawa ng pelikula. Ang kaniyang paghahanap sa tunay na pambansang kalayaan ay nag-ambag ng natatanging Filipinong diin sa internasyonal na kilusan sa pelikula. Nagsilbi siyang tagapayo, inspirasyon, at huwaran ng mga nakababatang filmmaker upang tahakin ang landas na sinusundan lamang ng iilan.

 

 

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*