Magbedbedbed and maghahabi

Magbedbedbed and maghahabi

Ni Marian Pastor Roces


Isang Siglo

Naniniwala si Yabing Dulo na lagpas pa sa nobenta ang edad niya. Sa katunayan, nakasaad ang edad na ito sa ID niya, pati ang petsa ng kapanganakan, Agosto 14, mga 1910 diumano. Dahil sa kasing talas ng  patalim ang memorya ng kagalang-galang na manghahabi ng ikat, tila ba pinakamainam na laging sundin ang kaniyang sinasabi. Alam niyang ipinanganak siya sa isang lugar na tinatawag nang Landan noon pa man. Hanggang ngayon, tinatawag pa ring Amgu-o ang sityo, isang pamayanan ng iilang magkakaugnay na pamilya  sa Landan, barangay na ngayon, nakasama sa bumubuo ng isang bayan. Samgauna ng taon ng siglo 20, binubuo ang Amgu-o ng mga kumpol ng kabahayang lubusang walang kaugnayan sa politikal na organisasyon ng bansa.  Maburol, kakahuyan ito; tadtad ng iba’t ibang laki ng bato ang mga batis. Sinauna noon pa man ang mga puno.

Sinauna na rin ngayon – at tinatanggap ang panggalang na Funang walang pagyayabang – tumagal ang buhay ni Fu Yabing upang abutan ang Amgu-o na maging lantad at tuyong lugar na wala na ang mga punong iyon. Naglalarawan ang tahanan niyang yari sa pawid, kahoy at semento ng pananatiling hindi nauugnay sa sinaunang sistema ng palipat-lipat na pagsasakang nagbigay-kakayahan sa mga gumagawa nito na ilikas ang buong na yon bilang pagsunod sa tungkuling papanibaguhin ang lupa matapos ang matagal ang pakikinabang dito; ang pagbabalik ng lupang ito sa kagubatan. Dinadayo ngayon si Fu Yabing  ng mga bisita nang naglalakad, o nakamotorsiklo, o kotse sabaku-bako at putikang daanan; at kung maidadagdag, hindi sila pinanghihinaan ng loob. Mga feeder road ang nagkokonekta sa Landan sa ibang bahagi ng bansa, kahit na marurupok, at saka ayus ang pampolitika, gaano man kahina sa mga dakong ito.

Maaaring akalain na hindi konektado si Fu Yabing at ang kaniyang sining sa magkakaugnay na kaayusan ng mga bagay-bagay. Kapuwa kumawala ang mga ito mula sa kanilang lumang lugar sa kaligiran at kultura. Namumuhay sa lubos na naiibang kalagayan mula sa kaniyang mapunong lugar ng kapanganakan, namumuhay kasama ng mga taong gumamit noon ng tumpak na pakikipagtumbasan sa halip na ugnayan sa merkado, nagpapatuloy siya sa isang katangi-tanging tradisyon na hindi gaanong tumutugma sa ngayon sa ekonomiyang nakabatay sa pera. Ngunit lagi na niyang kinaharap ang pagkakabukod ng mga sistema sa paggamit ng kaniyang talento: ang bihasang paggawa ng magagandang habi na telang ikat. Sa pagkilalang GAMABA (Gawad Manlilikha ng Bayan), malinaw na siya ang nanaig.

Matalas pa rin ang pag-iisip, naniniwala si Fu Yabing na higit pa sa siyam napu ang kanyiang edad, halos nasa isandaang taong gulang. Napapamahalaan niya ang kaniyang mga habihan nang may tiyak na paghakbang, nangangailangan lamang ng kamay paminsan-minsan dahil sa sakit sa kaniyang balakang, pagpapaalala ng isang sakuna sa pagmomotorsiklo.

Ang Ikat at ang kagubatan

Isinilang si Fu Yabing sa Amgu-o na kinabuhayan ng mga halaman at hayop na masinsing na tukoy at napangalanan ng mga katutubo sa kanilang wika, ang Blaan. Magkakasamang taglay nila, ang ilan sa napakaraming kuwento – na hindi ibinubukod sa nakikita at hindi nakikita ng realidad, o agham at kababalaghan. Alam ng mga paham ang kanilang biolohiya, klima at heolohiya na laging kaugnay sa iba’tibang kalagayan ng pagkatao; alam din nila ang mga pagbabagong-anyo ng mga ito, at hindi lamang ang pagtataglay ng sangkap na nakakakulay, o nakakalason, o nakapagpapabuti ng buhay, o mga misteryosong katangian ng mga banakal, ugat, dahon, at kakaibang maliliit na tangkay sa mga timpla ng mga gamot. Sa madaling sabi, puspos ng kahuluganang detalye ng buhay sa marami nitong anyo.

Mga sangkap at kagamitan sa bëbëd at paghahabi.
Tabi Fule and Tabi Amlatoh
Tabi Lugob

Hindi lamang basta mapapakinabangan ang kanilang mga kagubatang maunlad sa posibilidad. Sa kaniyang kabataan, namuhay si Fu Yabing sa kaligirang puno ng estimulo na nanghihikayat ng kakayahan at imahinasyon. Halimbawa, bukod sa mga pangtina na gamut rin, sa mga manghahabi/nagtitina na parmakolohista at manggagamot din, natuto ang kanilang mga ninuno ng kaalaman tungkol sa mga masalimuot na sistemang biolohikal mula sa kagubatan. Sumuhay ang mga pinakinabangang halaman at hayop sa sistema ng pakikipagkapuwa at pagpapalitan na naglagay sa tao sa komunidad ng halaman at hayop. Nang umani ang henerasyon ni Fu Yabing ng mga hiblang materyal sa kagubatan na kanilang ginawang likhang sining, at ang sining namang ito ang sumuhay sa pagkakabuo ng ugnayan ng kalikasan at kultura.

Walang alinlangang nangyari ito bago pa ang pag-aalaga sa mga plantasyon ng mahiblang halaman na iyon, isang uri ng saging, kilala sa mga Blaan na lutáy at abaka naman sa ibang Filipino. Itong Musa textilis Née, na pinanggagalingan ng pinakamatibay na hibla sa mundo, ay dati lamang matatagpuan sa masusukal na kagubatan, tumutubo sa ilalim ng tatlong patong na lilim sa mga bahaging ito. Naunawaan ng mga Blaan sa simula ng siglo 20 ang kaugnayan ng lutáy sa dinamika ng saribuhay sa tropikong kagubatan.

Ganito ang mahihinuha mula sa mga nasusulat sa mga kaugnay na kultura. (Sa kasamaang-palad, walang malawak na etnograpiya tungkol sa Blaan magpasa hanggang ngayon.) Ang mga telang hinabing ikat, telang lutáy ng mga Blaan ay kabilang sa tradisyon na karaniwan sa mga Bagobo, Blaan, Tboli, Mandaya at Mansaka (at bahagya sa mga Subanen) ng Mindanao. Bukod dito – kahit na algodon ang ginagamit dahil hindi tumutubo ang Musa textilis sa timog ng mga pulo ng Sangir at Talaud – nakakatulad rin ang pamamaraan sa mga Iban ng Kalimantan, mgaToraja ng Sulawesi, mga Atoni at Tetur ng Timor Barat at Silangang Timor, at sa mga kalapit na pangkat ng Sumba, Flores, at Roti ng Nusa Tenggara Timor. Pare-pareho rin ang magkakaugnay na mga grupong etnolinggwistikong ito sa pagkakaroon ng kasaysayan ng pagbubuo ng cultural sa gitna ng makakapal na kagubatan. Sa lahat ng mga kulturang ito, napagtutugma sa paggawa nitong sining ang magkakatunggaling banal na puwersa, nagkaroon ng pagtatagpo, punto ng balanse, at nakapaglilingkod sa kaayusan ng lipunan ang kakayahang pantao.

Napakahalaga sa mga kulturang ito, sa pagtitina ng mga hinabing sinulid na lutáy, bago ihabi, ang pagpapanatili ng imahinasyon na kapuwa mitiko at siyentipiko.

Ngunit hindi na ganito ngayon.Sa Mindanao, ang mga kagubatan sa kalakhang bahagi ay naglaho nang anyo ng komunidad. Sa lahat ng mga pangkat na dati ay nag-ikat sa Mindanao,  isa nang naglahong anyo ng paglikha ng sining, pagbuo ng komunidad, pagkakamit ng punto ng balanse ang ikat. Maliban kina Fu Yabing Dulo at sa isa o dalawa pang iba (isa ang kanyang anak na si Lamena), ang pagtitina ng ikat ng Blaan ay isang naglahong anyo ng pagsisikap ng tao sa mundong winala na ang mundong kagubatan.

 Arko ng Pagbabago

Isang pamayanan ng mga walumpung kabahayan, nakasiksik ngayon ang Amgu-o sa isa sa mga pinakamalaking plantasyon ng pinya sa mundo. Nagbukas ito pagkapanganak kay Fu Yabing, panahong nasa ilalim ang Filipinas ng pananakop ng mga Amerikano. Kabilang ang Mindanao sa mga “lupang ipinangako” ng Estados Unidos na nakalaan para sa agrikulturang industriyal. Pagkatapos ng kanilang agresibong proyekto sa pulong ito ng Filipinas, sapilitang ibinaba ang mga Blaan sa literal, heograpikong kahulugan:  naitulak sila sa maraming paraan sa maliliit na espasyong natira lamang ng mga lupaing industriyal. Polomolok  ang munisipalidad ng plantasyon at ng mga kanugnog na lugar, isang matandang pangalan; sa lalawigang tinatawag na Timog Cotabato, pangalan mula sa dekada sitenta. Itinuturing hanggang sa mga panahong iyon na matatagpuan ang Polomolok sa isang napakalawak na lalawigang mas malaki pa sa ilang estado ng Estados Unidos, na ipinangalan sa isang kutang bato na itinayo ng mga Muslim, kutabatu, Cotabato.

Matatagpuan ang mga komunidad sa plantasyon at mga kanugnog sa matabang pababang dako ng isang tulog na bulking tinatawag na Mtutung ng mga Blaan; Matutum naman sa iba. Nasakop naman ng mga Komunistang gerilya mula noong dekada sitenta ang mga kanugnog na komunidad. Sa pagtatapos ng siglo 20, nagmistulang teatro ng  matitinding sagupaan ng rebelde at Estado ang mga lugar na ito. Nagsialis ang pangkat ng Amgu-o kasama ng ibang Blaan Koronadal sa bandang Matutum, nananatiling naiiba ang kabuuang anyo ng pananamit at baryasyon ng wika mula sa mga Blaan Mahin (baybayingBlaan) hanggang sa puntong iyon. Nakaranas ang huling paglikas at digmaan sa ibang panahon. Nakatuon ang iba’t ibang pangkat ng Blaan ngayon sa iisa at magkakatulad na pagkakakilanlan bunga ng kanilang pagkakaroon ng pare-parehong karanasan ng pandarahas.

Ngunit nagsimula na ang radikal na pagbabagong panlipunan bago pa man ang kasalukuyang panahon ng labanan. Naganap ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo halos kasabay ng pagdating, tulad ng isang spaceship, ng ekonomiyang plantasyon. Protestanteng Amerikano ang mga pari, at nagpakasalang ilan sa mga pamilyang Blaan; itinalaga ang mga sarili bilang mga katutubong mangangaral. Nanirahan ang mga pastor na Blaan sa United States Bible School nakaraniwan nang karanasan pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Manlilikha at Nakaligtas

Sa maligalig na lugar na ito, kabilang si Yabing Dulo at ang kaniyang namayapang kabiyak sa mga nagpatuloy sa animismo. Ipinagpatuloy din niya ang sariling pagkaunawa sa kalidad ng paghahabi. Sak atunayan,nagpatuloy siya sa paggamit ng ligaw na lutáy hanggang sa imposible nang makakuhang mga ito. Si ArjhoCariño Turner, ang kaniyang apo sa pamangkin na residente ng Estados Unidos at asawa ng Amerikanong misyonaryo, ay sumulat tungkol sa panahong ito ng pagbabago: “Nagmamay-ari si Fu Yabing at ang kanyang pamilya ng taniman sa lambak na tinatawag na Aksugok (saAmgu-o) kung saan naninirahan ako at pamilya ko noong nasa elementarya pa lamang ako. Nakita ko mismo ang uri ng ligaw na abaka na kaniyang ginamit. Sa simula ng [pagbabagong agrikultural] pinalitan ang ilan sa mga taniman ng ibang pananim at kakaunting magulang na abaka ang tumutubong ligaw.”

Hindi lamang isang detalye si Arjho sa natatanging talambuhay ni Fu Yabing bilang manlilikha at nakaligtas. Dahil ito sa kaniyang pagtulong at pagiging malugod sa mga mag-aaral ng paghahabi sa kalapit-nayon ng Blaan na taga bundok sa Lamlifew, Malungon, Sarangani, nanaranasan ni Fu Yabing na maging isang tagapagturo, kahit panandalian lamang. Ngunit dahil dito sa pagkakataong ito, nakapaglakbay siya sa Maynila noong 2009, upang maging bahagi ng ASEAN Textile Symposium saPambansang Museo ng Pilipinas. Mula noon, pinagtuunan na siya ng patuloy na lumalaking interes at paghangang kaniyang lalawigan at ng buong bansa.

Napapalinaw pang lalong pagtuong ito sa taong may likha ng mga telang kinulayan sa paraang ikat na may malaking pagkakatulad sa mga nasa museong kasuotang Blaan na ginawa higit sa isang siglo na ang nakakaraan; na humikayat sa mga sumusuporta, sa pangunguna ni Arjho, na masiglang umisip ng mga paraan upang maiugnay ang kaniyang sining sa merkado sa paraang may respeto; at ang kaniyang taglay na giting at payapang lakas ay tunay na nagpapamangha sa lahat ng kaniyang makasalamuha upang pagkalooban siya ng kapita-pitagang lugar sa maligalig na kasalukuyan.

 

Ang artikulong ito ay isinulat sa tulong ni Arjho Cariño Turner.



Yabing Dulo believes herself older than ninety. Her identity card marks that age, however, and date of birth, the fourteenth of August supposedly 1910. Since the venerable ikat-dyer has a memory sharper than blades, it seems always best to follow her counsel. She does know for a fact that she was born in a place already called Landan in that long ago time. The exact sitio was and is still named Amgu-o, a settlement of a few related families within Landan, today a barangay, a constituent unit of a town. During the early twentieth century, Amgu-o was a cluster of houses thoroughly unconnected to the national political organization. It was a hilly, forested place where streams were punctuated by all sizes of rocks. The trees, then, were ancient.

Now ancient as well—accepting the honorific Fu, elder, with no hauteur—Fu Yabing has lived long enough to have seen Amgu-o emerge as an exposed, dry place sans those trees. Her thatch-wood-concrete domicile speaks of a permanence unconnected to the archaic system of shifting agriculture that gave its practitioners to move entire hamlets following the obligation to regenerate soil after extended use; giving that land back to the forest. Today, visitors reach Fu Yabing on foot, or by motorcycle, or a four-wheel drive vehicle through pockmarked dirt passes; although, it must be added, they are not overly daunted. Landan is connected to the rest of the country by feeder roads, however flimsy, and through the national political order, however tenuous in these parts.

It may indeed be suggested that it is Fu Yabing and her art that are unconnected to the relevant order of things. They have been loosened free from their old coordinates in both nature and culture. Living in radically different circumstances from her arboreal birthplace, among a people who in that past engaged in precise reciprocal instead of market relations, she carries on with an exquisite tradition that at present grafts poorly with the cash economy. But she has always faced the disjunct between systems by deploying her gift: expert making of fine warp ikat textiles. With the GAMABA (Gawad sa Manlilikha ng Bayan) recognition, it is clear she has prevailed.

IKAT AND THE FORESTS

Fu Yabing was born in an Amgu-o where the plant and animal life were differentiated to minute degrees by the locals in the vocabulary of their tongue, Blaan. Among them, some held encyclopedic lore—which none divided into seen and unseen reality, or science and enchantment. The adepts knew their biology, climate, and geology invariably in relation to states of being; knew their arts of transformation, not the least, wielding the pigmenting, or toxic, or life-enhancing, or mysterious qualities of barks, roots, leaves, and strange small petioles in various mixes in various preparations. Which is to say, the minutiae of life in its many forms was saturated with meaning.

That their forests were fecund with possibility was more than a matter of utility. Fu Yabing lived as a youth in a milieu with a density of stimuli that encouraged skill and imagination. Aside from, for instance, dyestuff that were also medicine deployed by weaver/dyers who were also pharmacologists and healers, the forebears took from forests an education in complex biological systems. Plant and animal life taken supported systems of reciprocation and exchange that embedded human within plant and animal communities. When Fu Yabing’s generation took from the forest fibrous material that they worked into art, that art in turn supported the integrity of natural/cultural interconnection.

To be sure, this was before the husbanding in plantations of that fiber plant, a kind of banana, known to the Blaan as lutáy and abaka to other Philippine peoples. This Musa textilis Neé, source of the world’s strongest fiber, used to be a creature of thick forests, growing in their understory well beneath the sometimes triple-canopy cover in these parts. The Blaan of the early twentieth century would have understood lutáy’s relation to the interspecies dynamics of tropical rainforests.

This much can be inferred from the extended literature on related cultures. (Unfortunately, no substantive ethnography has been written on the Blaan to date.) The warp ikat, lutáy textiles of the Blaan belong to a tradition common to the Bagobo, Blaan, Tboli, Mandaya, and Mansaka (and to a lesser extent, to the Subanen) of Mindanao. Moreover—although cotton is used because Musa textilis does not grow south of Sangir and Talaud Islands—the technique is also shared with the Iban of Kalimantan, the Toraja of Sulawesi, the Atoni and Tetum of both Timor Barat and East Timor, and the nearby peoples of Sumba, Flores, and Roti of Nusa Tenggara Timur. These related ethnolinguistic groups also shared a history of cultural formation amid thick forests. For all these cultures, it was in this art making that often conflicting divine forces were aligned, equilibrium constructed, and human abilities given to serve the social order.

It was, most important for all these cultures, in the dyeing of lutáy warp threads, prior to weaving, that an imagination at once mythic and scientific was sustained.

Although no longer. In Mindanao, the forests are for most part an extinct form of community. Among all the peoples who used to ikat in Mindanao, ikat is for most part an extinct form of art-making, community-making, equilibrium-making. And but for Fu Yabing Dulo and only one or two others (one of whom is her daughter Lamena), Blaan ikat dyeing is an extinct form of human endeavor in a world gone the way of the forests.

ARC OF CHANGE

A settlement of about eighty households, Amgu-o today is tucked behind one of the largest pineapple plantations in the world. Its operations began soon after Fu Yabing’s birth, during the American colonial occupation of the Philippines. Mindanao was among the United States’ lands “of promise” for industrialized agriculture. In the wake of this aggressive project on this Philippine island, the Blaan were perforce marginalized in a literal, geographic sense: they were one way or another thrust into small spaces left out of industrial estates. The municipality of both plantation and fringes is Polomolok, an old name; in a province called South Cotabato, a name circa the 1970s. Until then, Polomolok was understood to be located in a vast province bigger than several U.S. states, which was named for a stone fort built by Muslims, kuta batu, Cotabato.

Plantation and fringe communities are at the fertile lower inclines of a dormant volcano named Mtutung by the Blaan; Matutum by everyone else. The fringe communities were overrun by Communist guerrillas since the 1970s. At the end of the twentieth century, these areas were a theater of intense battles between rebel and State. The Amgu-o group was temporarily displaced together with other Blaan Koronadal of the Matutum area, who remained distinct in clothing ensemble form and speech variation from the Blaan Mahin (coastal Blaan) until that point. The latter experienced displacement and war in another period. Blaan subgroups now tend towards a single undifferentiated identity as an outcome of shared experience of violence.

Still, radical social change had begun well before this latter-day period of conflict. Christian evangelization transpired nearly simultaneously with the landing, like a spaceship, of the plantation economy. The priests were Protestant Americans and a few married into Blaan families, installing themselves as indigenous preachers. Later Blaan pastors were to live in the U.S. Bible School was regular experience since after the Second World War.

ARTIST AND SURVIVOR

In this landscape of upheaval, Yabing Dulo and her late husband were among those who kept to animism. She also kept to her own understanding of weaving quality. Indeed she persisted with wild lutáy until these were no longer possible to acquire. Arjho Cariño Turner, Fu Yabing’s grandniece and U.S.-resident wife of an American missionary, writes of the precise period of shift: “Fu Yabing and her family own a farm in the valley called Aksugok (in Amgu-o) where I and my family also lived when I was in elementary school. I saw firsthand the kind of wild abaka she used. With the advent of [agricultural change] some of those farms were converted to produce other crops and very few parent abaka are growing wildly.”

Arjho herself has been more than a footnote in Fu Yabing’s extraordinary biography as artist and survivor. It was with her assistance and the welcoming spirit of weaving students in a nearby village of upland Blaan in Lamlifew, Malungon, Sarangani, that Fu Yabing experienced full-time work as a mentor, even if only briefly. But it was because of this stint that she traveled to Manila in 2009, to be part of an ASEAN Textile Symposium at the National Museum of the Philippines. She has since been the focus of progressively intensifying interest and adulation in her province and nationally.

That focus brings to greater clarity a person whose ikat-dyed fabrics bear stunning similarity with museum-held Blaan pieces created more than a century ago; who allowed supporters, primarily Arjho, to mightily devise ways for the market economy to link with her art in respectful ways; and whose grit and quiet power verily intimidate all who meet her into according her a dignified space in the tumult of today.

 


This article was written with assistance by Arjho Cariño Turner

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*