Maghahabi ng Tennun

“Ambalang: A’a Pandey Megtetennun”
Maghahabi ng Tennun

By Earl Francis C. Pasilan


Kilala ang mga Yakan ng Basilan sa mga pinakamahuhusay na manghahabi sa Katimugang Filipinas. Lumilikha sila ng mga kaaya-aya at makukulay na telanga may mumunting motif, at mga pamamaraang taglay lamang ng mga batikang manghahabing nakagagawa ng mga disenyong limitado lamang ang paggamit sa ilang kategorya ng paghahabi.

Napakahalagang sining ang paghahabi sa komunidad ng mga Yakan. Sinasanay noon sa paghahabi ang lahat ng kababaihan. Matagal nang panahon ang nakaraan, isang kaugalian ng mga Yakan na kapag babae ang naipanganak, puputulin ng pandey, o ng tradisyonal na hilot ang pusod gamit ang patpat na kahoy na tinatawag na bayre (beyde ang bigkas ng ibang Yakan). Ginagamit itong patpat upang “pukpukin” ang trama ng habihan. Sa pagputol ng pusod, pinaniniwalaang magiging mahusay na manghahabi ang sanggol balang araw. Isinasabuhay ito at ang iba pang aspekto ng tradisyon ng mga Yakan sa paghahabi ng isang pitumpu’t tatlong gulang na manlilikha ng Parangbasak, Lungsod Lamitan: si Ambalang Ausalin.

Si Apuh Ambalang, kung tawagin siya ng kaniyang pamayanan ng manghahabi, ay pinagpipitagan sa buong Lamitan. Itinuturing na walang katulad ang kaniyang galing: napagsasama-sama niya ang lahat ng mga disenyo at naisasagawa ang lahat ng uri ng tela na tipikal sa mga Yakan. Kaya niyang gawin ang suwah bekkat (palamuting mala-cross-stitch) at ang suwah pendan (malaburdang dekorasyon) na mga paraan ng kategoryang bunga sama. Taglay niya ang komplikadong kaalaman ng buong paraan ng paghahabi, habang alam din ang halagang pangkultura ng bawat disenyo ng tela at mga uri nito. Noong bata pa lamang si Ambalang, ang kaniyang ina, na pinakamahusay na manghahabi ng kaniyang kapanahunan, ang siyang nagsanay sa kaniya. Pinagsanayan niya ang mga hibla ng lugus at dahon ng niyog (materyales sa paggawa ng banig). Natuto mula sa kaniyang inang dalubhasa, sinimulan ni Ambalang na gawin ang lahat ng disenyo ng uring bunga sama gamit ang habihan, at pati na rin ang sinalu’an at ang seputangan, dalawa sa mga pinakakomplikadong uri ng paghabing Yakan. Ang mga ito ang pinakakomplikado dahil kinakailangan sa sinalu’an ang paggamit ng pinakapinong detalye ng mga disenyong diyamante at rhomboid, at sa seputangan ay ang balanse at pagpuno sa mga espasyo ng hiblang paayon ng mga dibuhong pussuk labung at dinglu o mata-mata.

Ang mga manghahabing Yakan, tulad ni Apuh Ambalang, ay patuloy na lumilikha ng mga pambihirang tela. Nakapaloob sa kanilang paraan ng paggawa at etika ang pagiging puspusan at tutok sa detalye.

Sekreto sa Suklay

Tulad ng iba niyang kasamahan, gumagamit si Ambalang ng backstrap tension loom, na maaaring maliit o malaki depende sa uri ng tela o disenyo na ihahabi. Madaling bilutin, bitbitin, at iayos ito upang magamit ang habihan. Nauupo ang manghahabi sa harap ng habihan at may sinturon na tinatawag na awit sa kaniyang baywang; ang warp beam, o deddug, ay nakasabit sa biga nang pahilis sa kaniyang harapan. Nakasuhay ang kaniyang mga paa sa isang piraso ng kahoy na tindakan ang tawag, at ginagamit niya ang kaniyang katawan upang mapanatiling banat at nasa lugar ang mga habin. Iniikid ang habing patayo nang walo hanggang sampung metro o mas mahaba pa, sapat lamang upang madaling itayo ang habihan sa loob ng bahay. Hinahatak ang mga hibla sa isang kawayang suklay o sud nang paisa-isa upang magkapagitan ang mga ito nang pantay-pantay. Tinatawag na paghani, o ang warping process ang prosesong ito. Sa suklay nakasalalay ang sekreto sa telang pino ang pagkakahabi.Kapag mas pino ang mga ngipin ng suklay, mas mahigpit at mas maalsa ang mga disenyo. Sud dendam ang tawag sa uri ng suklay na ito. Ginagawa ang padron o disenyo sa pamamagitan ng pagbibilang ng hibla ng habihan sa bawat hilera. Pinagsasama ang bawat patayong hilera ng isang bukod na hibla o ng hibla mula sa sako upang magamit ito sa kabuuan ng haba ng habihan. Pagpeneh ng tawag sa prosesong ito ng pagpili sa mga hibla/paggawa ng disenyo. Sa paraang ito, naihahanda na ang buong padron. Ginagamit ang paraang ito sa halos lahat ng disenyo ng tela maliban sa seputangan, o palamuti sa ulo ng kababaihan. Iniikot ang sellag o ang hibla para sa kulay ng background ng woof sa isang patpat na tinatawag na anak tulak na maaaring maging bamboo shuttle (lalagyan ng hibla na yari sa kawayan), ang tulak. Kung mas kakaunti ang bilang ng hibla sa tulak, na tinatawag ng matatandang manghahabi na sellag mintedde o single weft thread, magiging mas nakaalsa at mahigpit ang mga disenyo. Ang iba’t ibang kulay na mas makakapal na hibla na bumubuo sa padrong sulip, o karagdagang habi, ay pinuputol sa habang tatlumpung sentimetro o mas mahaba (depende sa disenyo o kakayahan ng manghahabi), at inilalagay sa pagitan ng mga patayong hibla, ayon sa kailangan sa disenyo. Ang mga prosesong maghani, paghihiblang paayon; magpeneh, pagbibilang ng mga hibla/paggawa ng mga disenyo; at magtennun, ang mismong paghahabi, ay magagawang lahat ng dalubhasang manghahabi.

Sa Yakan, hinabing tela ang pangkalahatang kahulugan ng salitang ‘tennun’, at ginagamit sa paggawa ng damit na Yakan. Madalas na maling inilalarawan ang mga telang Yakan ay na ‘binurda’ ng mga hindi pamilyar sa proseso ng paggawa ng mga ito.

May iba’t ibang kategorya ang telang Yakan. Pinagkadalubhasaan na ni Ambalang ang lahat ng mga ito, bagaman pinakamabisang naipahahayag ang kaniyang kasiningan at paggawa sa bunga sama, sinalu’an, at seputangan.

 

Pinakakilala si Apuh Ambalang sa pinakakomplikado sa mga habing Yakan, ang sinalu’an teed; ang kaniyang iba pang espesyalidad ang seputangan, na natutuhan niya mula sa kaniyang ina.


Mga Kategorya

Isang disenyo o kategorya ng paghahabi ang bunga sama  na may mga mabulaklakin at masisiglang disenyo. Karaniwang ginagawa ang tela bilang pang-itaas at pantalon, ngunit para lamang sa damit ng mga Yakan na nakatataas ng estado, lalo na ang suwah bekkat at ang suwah pendan. Ngayon, gayunman, karaniwang ginagawa ang bunga sama  upang maging table runner, sapin sa mesa, dekorasyon sa pader, o sapin sa platito at baso. Madaling natutukoy ni Ambalang ang sari-saring uri ng mga disenyo sa kategoryang ito. Laging makikita ang pinakamaganda niyang gawa sa anyong ito ng paghahabi sa bunga sama teed peneh pitumpuh (telang may pitumpung disenyo), at ang peneh kenna-kenna (malaisdang disenyo), peneh sawe-sawe (malaahas na disenyo), peneh dwen-dawen (maladahon na disenyo), at peneh kule-kule (malapagong na disenyo).

Kilala rin siya sa paghahabi ng sinalu’an. Disenyo o kategorya ito ng paghahabi na may mga guhit ng paraang diamond twill. Ang nayaring tela ay tradisyonal na ginagawang pantalon at pang-itaas. Sa kategoryang ito, pinakakilala si Ambalang sa sinalu’an teed, ang pinakakomplikado sa lahat ng hinabing telang Yakan. May detalyadong disenyo ang bawat guhit ng maliliit na diyamante at nakaukit na tatsulok na tulad ng mga bahagi ng kawayan. Mayroon itong maliliit na zigzag na tinatawag na kalis-kalis (mga hiwa); maliliit na diyamanteng tinatawag na bulak-bulak (malabulaklak); maliliit na pahigang linya na inihihiwalay ang mga disenyo sa mga pinakamaliliit na hati na tulad sa mga bahagi ng kawayan na tinatawag na batak o honga, maliliit na disenyo ng mga diyamante na nakapaloob sa bulak-bulak na tinatawag na lepoq-lepoq; mga patayong hilera ng maliliit na gatlang na tinatawag na olet-olet, sipit-sipit, o lelipan-lelipan (malahigad); mga hilera ng malatalangkang disenyo na tinatawag na kaka-kaka; isang panel ng malagarapon na disenyong tinatawag na komboh-komboh; at ang mga payak na linyang patayo o kolum na bettik (tulad ng anyo ng lupa kapag nagtatanim sa mga tuwid na linya).

Isa pa niyang natatanging espesyalidad ang seputangan, tulad ng kaniyang ina. Isang metro kuwadrado ang telang ito na may mga disenyong heometriko, at ang pinakamahal na bahagi sa kasuotang pambabae ng Yakan dahil sa detalyado nitong disenyo. Tinitiklop at itinatali ang piraso ng telang ito  sa olos inalaman o olos pinalantupan upang mahigpit ang kapit ng palda sa baywang. Isa rin itong kasuotan  sa ulo. Hanggang ngayon, inilalagay ito sa balikat ng mga ikinakasal sa kanilang pag-iisang dibdib. Ang pussuk labung (ngipin ng lagari), sipit-sipit o subid-subid (mala-twill), dawen-dawen (maladahon), harren-harren (hagdan-hagdan), kabban-buddi (diyamante/tatsulok), dinglu  o mata (diyamante/mata), at buwani-buwani (malapulot-pukyutan) na mga disenyo ay makikita sa uri ng telang ito na nag-aangat sa mga likha ni Ambalang mula sa gawa ng iba pang manghahabi ng seputangan.

Si Apuh Ambalang Ausalin at ang kaniyang mag-anak, mula sa likod: isang estudyante; ang anak niyang si Vilma at ang anak nito; ang anak ni Apuh na si Bertie; isa pang estudyante. Nakaupo sa harap: mga apo ni Apuh Ambalang; Baby Ausalin; Buddit. Gawing dulo: Si Damly, anak ni Apuh Ambalang; at nakatayo naman sa likod niya: si Homer, anak ni Vilma.

Mga representante at realistikong paglalarawan

Sa paniniwala ni Ambalang, na mababakas sa pananampalataya ng kaniyang mga ninuno, kumakatawan ang mga diyamante sa mga butil ng bigas at sumisimbolo sa kayamanan. Kapag may apat na bituin na nagkasama-sama at lumitaw na gaya ng isang diyamante sa kalangitan, nangangahulugan itong nalalapit na ang tag-ani at magiging masagana ito. Tinatawag ang mga diyamante na mata-mata o dinglu-dinglu. Ang paglalarawan sa mga bundok, punoh-punoh (malabundok), ay nasa mga gilid ng bunga-sama na tinatawag na higad-higad o sing, o ang balikat-balikat ng seputangan. Kumakatawan ang mga X sa mga dikdikan ng palay na nakaayos sa mga kumpol kasama ng mga diyamante upang makalikha ng kawili-wiling ilusyon. Nangangahulugan ang salimbayan ng mga X at diyamante ay kumakahulugan sa kayamanan at kasaganaan ng ani. Nakikita ang partikular na disenyong ito sa seputangan, sa telang palamuti sa ulo ng mga Yakan, at sa inalaman, isang pang-ibabaw na palda ng mga nasa mataas na kalagayang panlipunan. Isa ang bulaklaking tema sa mga pinakakilalang idinidisenyo na makikita sa bunga-sama o sa gilid ng inalaman. Ang diwata o pakpak ng paruparo na nakilala doon bilang kaba-kaba o malapakpak na disenyo, at makikita sa bunga-same teed peneh pitumpuh, ang pinakadetalyado sa kategoryang bunga-sama.  Itinuturing na sasakyan ng mga kaluluwa ang ahas tulad  sa mailikidjabaniya. Sumisimbolo ang partikular na disenyo, na nasa bunga-sama, sa kapangyarihan at awtoridad; iniuukol lamang ang telang may ganitong disenyo sa paggawa ng pantalon ng kalalakihang matataas ang katungkulan o mayayaman ang angkan.

Sa paghahabing Yakan, realistikong inilalarawan sa mga tela ang karamihan sa mga disenyo ng mga hayop o halaman. Pinahahalagahan ng mga Yakan ang kalikasan bilang ina ng sining at sa kanilang paghahabi, itala ang dalisay na kagandahan ng kalikasan. Ipinapakita ng mga disenyo ang kalikasang pumapalibot sa tirahan o hanapbuhay bilang mga magsasaka, sapagkat sumasagisag sa palay ang bawat disenyo ng tela, na kumakatawan din sa kapangyarihan, katayuang panlipunan, at pagpapahayag sa sarili. Ang kaliitan at pagkasiksik ng mga detalye o disenyo ay sumasagisag sa diwa ng “komunidad”, “pagsasama-sama” o “pagkakaisa” ng mga Yakan. Noon, kung nagtataglay ang babaeng Yakan ng tatlong pinakamahalagang kakayahan ng warping, pagdidisenyo, at paghahabi, at kayang makalikha ng tela, tahiin ito, at gumawa ng kompletong kasuotan para sa kaniyang asawa at mga anak,  maituturing siyang marangal na babae, asawa at ina. Sa ganitong paraan kinikilala si Ambalang sa komunidad ng mga Yakan.

Sa pamamagitan ng kaniyang pag-aalaala ng mga pinakaunang estratehiya at pamamaraang natutuhan  sa kaniyang ina, sinimulang sanayin ni Ambalang si Vilma, ang kaniyang anak, at ang ilan niyang pamangkin, na itinuring niyang mapagtutuluyan ng kaniyang kasanayan sa mga darating pang taon, isang matagumpay na pagsasalin ng pamana sa mga henerasyon ng mahuhusay na manghahabi. Upang maisakatuparan ni Ambalang ang kaniyang kasiningan, kinakailangan niyang maging kaisa ng kaniyang diwa, ng kaniyang mga ninuno, ng kaniyang kaligiran, ng kaniyang mga kagamitan, mga hibla, habihan at ng kaniyang Manlilikha. Pinagbubuklod ng habing Yakan ang manghahabi – buong katawan at kaluluwa, at lahat ng mga elementong nakapaligid sa kaniya.

Isang pambihira at mahalagang manipestasyon ng kulturang Yakan ang tennun Yakan. Ang mga kategorya nito, kulay, disenyo o sagisag, at kabuluhan ay palagiang magpapaalaala kay Ambalang, sa kaniyang natatanging paglikha, kung ano ang pagiging Yakan – mga mamamayan ng daigdig. Sa pamamagitan ng kaniyang kasanayan, si Ambalang, bilang a’a pandey magtetennun (isang dalubhasang manghahabi), ay nagpapatibay sa kanilang pagkakakilanlan bilang mga taong patuloy na naghahabi ng mga hibla ng kultura, pinagbubuklod ang nakaraan, kasalukuyan at pati na rin ang hinaharap sa pagiging kayamanang kultural para sa bagong henerasyon ng mga Yakan, para sa lahat ng Filipino, at sa buong sangkatauhan.



The Yakan of Basilan are known to be among the finest weavers in the Southern Philippines. They create eye-catching and colorful textiles with tiny motifs, and possess techniques wielded only by seasoned weavers accomplishing designs restricted for utilization within a certain weaving category only.

Weaving is an extremely important craft in the Yakan community. All Yakan women in the past were trained in weaving. Long ago, a common practice among the Yakan was that, when a female was born, the pandey, traditional midwife, would cut the umbilical cord using a wooden bar called bayre (also pronounced as beyde). That bar was used for ‘beating-in’ the weft of the loom. By thus severing of the umbilical cord, it was believed that the infant would grow up to become an accomplished weaver. This, and all other aspects of the Yakan weaving tradition, is best personified by a seventy-three-year-old virtuoso from the weaving domicile of the Yakan in Parangbasak, Lamitan City: Ambalang Ausalin.

Apuh Ambalang, as she is called by her community of weavers, is highly esteemed in all of Lamitan. Her skill is deemed incomparable: she is able to bring forth all designs and actualize all textile categories typical to the Yakan. She can execute the suwah bekkat (cross-stitch-like embellishment) and suwah pendan (embroidery-like embellishment) techniques of the bunga sama category. She possesses the complex knowledge of the entire weaving process, aware at the same time of the cultural significance of each textile design or category. As a young girl, her mother, who was the best weaver of her time, mentored Ambalang. She practiced with strips of lugus and coconut leaves (mat-making material). Having learned from her mother the expert, Ambalang, using the backstrap loom, started to weave all designs of the bunga sama category, then took on the sinalu’an and the seputangan, two of the most intricate categories in Yakan weaving. They are the most intricate since the former requires the use of the minutest details of diamond or rhomboid designs, and the latter demands balance and the filling up of all the spaces on the warp with pussuk labung and dinglu or mata-mata patterns.

SECRET IN THE COMB

Ambalang, like other Yakan weavers, uses the backstrap tension loom, which can be small or large depending on the type of cloth or design to be woven. This loom can be rolled, carried about, and set up easily. The weaver sits before the loom with a belt called awit around her waist; a warp beam, deddug, is suspended from a house beam diagonally in front of her. She braces her feet against a piece of wood called tindakan, and uses her body to keep the warp threads taut and in place. The warp is wound eight to ten meters or longer, just enough to make it easy for setting up the loom inside the house. The threads are pulled through a bamboo comb, sud, one at a time so that the threads are evenly spaced. This process is called paghani, the warping process. The secret of an intricately-woven cloth resides in the comb: the more the number of sticks that make up the comb, the closer its teeth, thus the tighter and more embossed or lifted the designs will be. This type of comb is called sud dendam. The pattern or design is made by counting the threads of the loom for each row. Each vertical row is bundled with a separate piece of yarn or sack thread so it can be used throughout the length of the loom. This process is called pagpeneh, that is, choosing the threads/making up the design. In this way the whole pattern is pre-programmed. This method is used in almost all cloth designs except for the seputangan, female headcloth. The sellag or thread for the background color of the woof is wound on a stick called anak tulak that can turn into a bamboo shuttle, tulak. The lesser the number of threads of the tulak, which the older weavers refer to as sellag mintedde or the single weft thread, the more embossed and tighter the designs will be. The multicolored thicker threads that make up the pattern called sulip, supplementary weft, are cut to a length of thirty centimeters or longer (depending on the design and the weaver’s skill), and placed in between the warp threads, as the pattern requires. The processes of maghani, warping; magpeneh, counting of threads/designing of patterns; and magtennun, the actual weaving, can be rendered entirely by this masterful weaver.

The word ‘tennun’ in Yakan generally means woven cloth, and used in making the Yakan dress. Yakan textiles are often mistakenly described as ‘embroidered’ by people not familiar with the production process.

There are different categories of Yakan cloth. Ambalang has mastered all these, although her artistry and craftsmanship are best expressed in the bunga sama, sinalu’an, and seputangan.

CATEGORIES

The bunga sama is a design or category of weaving with floral and bold designs. The cloth is usually fashioned into upper wear and pants, though only for the dress of a high status Yakan, specially the suwah bekkat and the suwah pendan. Today, however, the bunga sama is commonly produced and pressed to service as table runners, placemats, wall decor, or doilies. Ambalang can easily identify the variety of motifs in this category. Her best work for this form of weaving is always reflected in the bunga sama teed peneh pitumpuh (cloth with seventy designs), and the peneh kenna-kenna (fish-like design), peneh sawe-sawe (snake-like design), peneh dawen-dawen (folial design), and peneh kule-kule (turtle-like design).

She is also renowned for weaving the sinalu’an. This is a design or category of weave with stripes of the diamond twill technique. The finished cloth is traditionally sewn as trousers as well as upper wear. Under this category, Ambalang is best identified with the sinalu’an teed, the most complicated of all Yakan woven textiles. Each of the stripes has an elaborate pattern of very small diamonds and incised triangles resembling the sections of bamboo. It has tiny bands of zigzags called kalis-kalis (incisions); minute diamonds called bulak-bulak (flower-like); diminutive horizontal lines that separate the motifs into the littlest segments resembling the sections of the bamboo called batak or honga, small bands of diamonds inside the bulak-bulak called lepoq-lepoq; vertical rows of small dashes called olet-olet, sipit-sipit, or lelipan-lelipan (caterpillar-like); rows of crab-like motifs called kaka-kaka; a panel of jar-like motif called komboh-komboh; and the plain vertical lines or columns called bettik (resembling the contour of the land when planting in straight lines).

The seputangan is her other exemplary specialty, as it was her mother’s too. This cloth is a meter square in size with geometric designs, and is the most expensive part of the Yakan female ensemble because of its detailed design. This piece of cloth is folded and tied over the olos inalaman or olos pinalantupan to tighten the hold of the skirt around the waist. It may also be worn as a head covering. To this day, it is placed on the shoulders of brides and grooms during weddings. The pussuk labung (saw-tooth), sipit-sipit or subid-subid (twill-like), dawen-dawen (leaf-like), harren-harren (staircases), kabban-buddi (diamonds/triangles), dinglu or mata (diamond/eye), and buwani-buwani (honeycomb-like) designs are evident in this type of cloth that sets apart Ambalang’s creations from those of other seputangan weavers.

REPRESENTATIVE AND REALISTIC DEPICTIONS

In Ambalang’s belief, traceable to the faith of her ancestors, diamonds represent rice grains and symbolize wealth. When four stars come together and appear like a single diamond in the sky, it means that harvest is approaching and will be plentiful. The diamonds are called mata-mata or dinglu-dinglu. The depiction of mountains, punoh-punoh (mountain-like), is set at the sides of the bunga-sama called higad-higad or sing or the balikat-balikat of the seputangan. The X’s represent rice mortars that are arranged in clusters along with the diamonds to form an interesting illusion. The interplay of X’s and diamonds symbolizes wealth and bountifulness in harvest. This particular pattern is seen on a seputangan, the Yakan headcloth, and inalaman, a high status overskirt. A floral motif is one of the most popular contrivances seen on the bunga-sama or on the border of an inalaman. The fairy or butterfly wings, locally known as the kaba-kaba or wing-like motif, as seen in the bunga-sama teed peneh pitumpuh, is the most intricate in the bunga-sama category. The snake is regarded as a vehicle of the spirits as in the mailikidjabaniya. This particular pattern, seen in the bunga-sama, symbolizes power and authority; cloth with this pattern is reserved exclusively for tailoring trousers for male members of high status or rich clans.

In Yakan weaving, most of the animal and plant motifs are realistically represented in textiles. The Yakan value nature as the mother of art and in their weaving, record the pure beauty of nature. The designs reflect the nature around Yakan customary habitation or occupation as agriculturists, as each cloth patterning is symbolic of the palay, unhusked rice, which also signals power, social status, and self-expression. The minuteness and compressed detail of a motif or design symbolizes the Yakan’s sense of “community,” “togetherness,” or “harmony.” In the past, if a Yakan woman possessed the three great skills of warping, designing, and weaving, and was able to produce a cloth, sew it, and make a complete ensemble for her husband and children, she was regarded as an honourable woman, wife, and mother, which is how Ambalang is acknowledged in the Yakan community.

Through her recollection of the earliest strategies and techniques learned from her mother, Ambalang has started training Vilma, her daughter, and some of her nieces, in whom she sees the continuity of her craft in future years, and the successful handover of a heritage through generations of gifted weavers. For Ambalang to realize such artistry, she has to be in harmony with her soul, her spirit ancestors, her environment, her tools, her threads, her loom, and her Creator. The Yakan weaving complex engages the weaver entirely, body and soul, and all the elements that surround her.

The tennun Yakan is an extraordinarily important manifestation of Yakan culture. Its categories, colors, designs or motifs, and significance will constantly remind Ambalang, in her outstanding handwork, what it means to be Yakan—people of the earth. Through her craft, Ambalang as a’a pandey megtetennun (an expert weaver), affirms their identity as a people who continuously weave the threads of culture, interlacing past, present, and, hopefully, the future, in becoming a cultural treasure for the new generation of Yakan, for all Filipinos, and all humankind.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*