Manghahabi ng Igem

Manghahabi ng Igem

By Marian Pastor Roces

Isinilang siyang Labnai Tumandan nang maipanganak, pitumpu’t dalawang taon na ang nakakaraan. Kilala itong pangalan sa wikang Blaan, na ginagamit sa Mlasang, isang nayon sa kabundukan. Batid ng kaniyang angkan na nakaugnay ang kanilang lugar  sa mlasang, isang punong taunang namumulaklak nang hitik, na agad ding nalalagas, at kapuwa nilalatagan ng kariktan ang lahat, tirahan man o kaligiran.

Sa kalagitnaan ng siglo 20 sa mga lalawigan ngayon ng Sarangani at Timog Cotabato sa Mindanao, ang mga nagsasalita ng Blaan – na tinatawag ding Blaan, gaya ng kanilang wika – ay unti-unting nagsimulang manirahan nang pangmatagalan sa kanilang pamayanan. Matagal na panahon nang ang kanilang mga ninuno ay sistematikong nagpalipat-lipat ng tirahan upang matanimang muli ng ligaw na palay at kamote ang lupain. Kasabay ng panahon ng kabataan ni Labnai, naunawaan na ng pamayanan na nakasalalay ang kanilang ugnay sa sistemang pampolitika ng Filipinas sa bagong identidad ng Mlasang bilang Upper Lasang, isang barangay sa munisipalidad ng Malapatan, sa lalawigang Cotabato kung tawagin. Hindi nagtagal, hinati ang lalawigang ito at napunta ang Malapatan sa bagong lalawigan ng Sarangani. 

Ang batang si Labnai, na mahusay na sa paghahabi sa una pa lamang ay pinangalanang Estelita noong dekada 50. Nanirahan sa kanilang pamayanan ang mga Protestanteg pastor, at nagpasimula ng pagbabago sa kanilang lipunan. Nang mag-asawa si Estelita, naging Gng. Bantilan siya, at nagpamilya sa ilalim ng dayuhang pananampalataya.

Nagpatuloy siya sa paghahabi ng banig. Nagpursigi siya samantalang hindi  nakapagpapatuloy ang ibang kababaihan. Sa tulong ito ng hindi pangkaraniwang suporta ng kabiyak niyang si Tawada. Nagpatuloy din si Estelita sapagkat ang mga banig ang naibigan niyang ipamigay sa mga taong mahalaga sa kaniya. Hindi rin niya nakaugaliang pagkakitaan ang mga banig. Nakapaglaan siya ng malaking panahon dito kahit may mga responsibilidad na pantahanan at pansakahan, at nakalikha siya ng ilan sa mga pinakamalalaki at pinakamagagandang banig sa Timog Silangang Asya. Sa kalidad ng mga banig na kaniyang yarisa kasalukuyan, patuloy na napagyayaman ni Estelita ang kaniyang personal na estetika sa loob ng kalahating siglo.

“Prinsesa”

Sa kaniyang pagtanda, nagkaroon ng bagong palayaw si Estelita: Prinsesa. Katawagan ng pagmamahal na sinasambit nang may gaan sa puso; at tunay na paggalang, lalo na ng mga manghahabi ng banig sa Upper Lasang.

May anim  na kababaihan sa nayon na napakahusay sa sining ng banig at kinikilala maging sa labas ng bayan ng Malapatan. Mas marami pa sana ang mag-aaral sa paghahabi kung naging mas kalugod-lugod ang kanilang kalagayan at makakatuon sana sa tradisyon na kailangang paglaanan ng panahon at hindi pangkaraniwang tindi ng konsentrasyon.

Nagkakaisa sila at mga kapamilya na talagang nakahihigit ang kakayahan ni Estelita. Kung itinuturing siyang kanilang Prinsesa: isang karapat-dapat na pambatong huwaran ng pamanang sining ng buong komunidad. Ipinakikilala ng kababaihan ng Upper Lasang sa mga panauhin ang kanilang Prinsesa bilang manghahabing bituin. Mayroong silang biruan at malambing na katawagan –  ang kaniyang pagkaprinsesa – bilang nakatutuwang bahagi ng ibang bagay na sama-samang binigyan ng kahulugan, tinupad, ginunita, isinagawa, at ipinagdiwang.

Hindi ibinubukod ni Prinsesa ang  sarili sa kapuwa. Alam man niyang mahusay siya, halos walang pahiwatig sa kaniyang disposisyon at kilos ng lubhang mataas na pagtingin sa sarili. Tuwing may talakayan, humahalo siya ibang kasama sa grupo ng mga manghahabi. Sa pagtatapos ng bawat pagbisita, umuuwi siya sa isang tahanang hindi nalalayo sa kapayakan ng ibang tahanan. Nasa kanyang tabi, halos sa lahat ng pagkakataon ang kabiyak na si Tawada.

Halos palagiang kasama ni Estelita Bantilan ang kabiyak na si Tawada.

Ang Sining at Ang Katawan

Tulad ng lahat ng manghahabi ng banig, “habihan” ni Estelita ang kaniyang buong katawan. Lumilitaw nang may disenyo ang mga hibla ng pandanus romblon (Pandanus copelandii Merr. Bariu) dulot ng maliliksing daliring may personal na indayog, tila ginagabayan ang kumpas ng kaniyang mga mata. Pinapanatiling banat sa kabilang panig niya ang mga hiblang hindi pa nahahabi, habang bumabaluktot at pumapalibot ang mga daliri sa paa hindi lamang sa mga hibla kundi sa dalumat na tinatawag na disenyo ng iba. Ang kurba ng kaniyang katawan ang nagtatakda ng husay ng paa at ng mga daliri nito. Iglap lamang na nagaganap ang salikop ng kamay at mata.

Ang komunidad ng mga manghahabi ng banig ng Upper Lasang kasama si Prinsesa (mula kaliwa pakanan): Lorcita B. Manggay, Angeline G. Bantilan, Anita Ontic, Estelita T. Bantilan, Merlita B. Guinang, Lintan Cablacan, Edith T. Cablacan, Soning S. Guinang, Judith S. Bantilan, Rosita Solaiman, Vergie G. Moranos.

Hinahabi ang mga banig sa lakas ng isip upang maisakatuparan ang mga matematikal na posibilidad ng kulay at patawid na galaw, halos kasabay ng pagkabihasa ng paa at kamay – ang mga operasyong naisagawa ng o sa pamamagitan ng mga mata – at walang kalamnan, walang iniisip, walang hibla o hilatsa, walang damdamin at walang asta ng katawan ang maaaring lumabas sa isang hindi naririnig na ritmo.

Ang hangad na maisagawa ang pagbubuuong ito ang nagtutulak sa mga manghahabi ng banig na mapanatili ang dakilang hinahon. Sa kaso ni Estelita, gayunman, ang katiwasayan at hinahon ay makikita sa pagkatao niya bilang batayan ng sining na ipinapamalas. Pinapanatili niya ang talas ng mga mata, ang hinahon ng tindig, at ang katiyakan ng mga kilos maging sa paghahabi, talakayan, o kahit pakikinig lamang. Maituturing na ang presensiya ni Estelita ang patunay ng hindi maibubukod na hinahon mula sa sining ng banig.

Ang kilos ni Estelita – may katangian ng liksi, ng pagtutok, at ng kapanatagang taglay ng kaniyang buong katawan – ay susi sa pag-unawa sa mismong paghahabi ng banig ng mga Sarangani Blaan at ng iba pang Filipinong nakakaalam pa ng sining.  Gawain ito ng imahinasyong nakapaloob sa takda ng teknolohiya ng paglikha. Ang higpit ng pagtatakda ay siya ring ginagamit ng manghahabi upang subukan nang may kahanga-hangang pag-iiba-iba at kabigha-bighaning pag-uulit-ulit. Upang makapagpasikot-sikot sa pagitan ng pagpipigil at kalayaan, nangangailangan ang mahusay na manghahabi ng tutok na sigasig na masaganang ipinapamalas ni Estelita. Natatangi sa kaniyang kaso, tila ang hindi pangkaraniwang hinahon ang siyang pinagmumulan ng kaniyang pagkapantas.

Lugar

Isang pook na nasa looban ang barangay Upper Lasang sa Malapatan, na kumikiling sa dagat gaya ng iba pang bahagi ng Sarangani. Ang malawak na Look ng Sarangani ay tila ba sinasalo ng mga bundok ng lalawigan. Nangingibabaw ang mga tanawin ng malawak na tubigan sa karanasan ng mga Blaan sa gawing ito. Blaan ng baybayin ang tawag sa kanila – naiiba sa mga Blaan ng Koronadal at Tampakan sa Timog Cotabato na mayroong ibang diyalekto ng wikang Blaan, at kapansin-pansin na naiibang paraan ng pananamit noon. Ang komunidad ng mga manghahabi ni Estelita, na  namumuhay sa pagtatanim ng niyog ngayon, ay dating mga palipat-lipat na magsasakang nagkaroon ng malawak na pakikipagkalakalan sa mga manlalakbay mula sa Maguindanao at sa mga pamayanan sa baybayin.

Ilan sa mga tampok na katangian ng kasuotang Blaan mula sa nakaraang siglo, na nasa mga museo at pribadong koleksiyon ngayon, ay bunga ng kalakalang ito: lalo na ang binga (mother-of-pearl), abaloryo, telang yari sa bulak, at mga sinulid. Nakipagpalitan din ng mga metal na instrumentong pangmusika at mga kabayo ang mga mangangalakal na taga-Maguindanao sa mga telang-ikat na gawa ng mga Blaan. Ang sistema ay kinabilangan ng ugnayang tumbasan ng mga nagsasalita ng iba’t ibang wika na nakatira sa mga bundok kaharap ng mga baybayin. Ang mga banig ay nakabilang din sa mga nakaraang ugnayang ito. Tunay nga na ang pagtutok ni Estelita sa mga banig bilang natatanging regalo sa mga taong pinahahalagahan niya ay isang nalalabing aspekto ng sinaunang sistema ng pagtutumbas at pakikipagpalitan sa mga kapuluan sa Timog Silangang Asya.

Sa buong kapuluan, hindi na bahagi ang mga banig ng mga sosyo-espiritwal na konsepto. Ang kanilang sinauna at laganap na ginagampanan sa kosmolohiyang Timog Silangang Asya – na may mga hayag na aspektong kinabibilangan ng paggamit ng mga banig sa bawat yugto ng buhay ng tao, mula sa kapanganakan hanggang sa paglilibing – ay sa kalakhang bahagi, naglaho na. Ito ang kadahilanang karapat-dapat na kilalanin ang hindi pangkaraniwang nagpapatuloy na kaugnayan ni Estelita sa kaniyang mga banig upang magamit at maipalaganap sa labas ng ekonomiya ng salapi. Makatwirang isipin na ang dedikasyon niya sa pagtuturing sa mga banig bilang regalo, sa halip na kasangkapang maaaring ibenta, ang siya ring konsepto ng paglikha na nagbunsod sa kaniya upang linangin ang kaniyang sining sa teknikal at estetikong sopistikasyon na nakabatay sa pambihirang biswal na kapayakan.

Nagkataong naninirahan siya sa isang lugar na angkop sa paglago ng mga halamang kailangan niya. Nakaugnay ang paghahabi ng banig sa Sarangani  sa komunidad ng Malapatan, na nanatiling  may nalinang na antas ng kasanayan. Bukod kay Estelita, nagpapatuloy ang mga kaibigan niyang kababaihan sa Upper Lasang, kahit na nakatuon sa merkado. Pinadadali ang pagtitiyagang ito ng patuloy na pagtubo ng romblon at buri, dalawa sa mga uri ng halamang ginagamit ng mga manghahabi ng banig dito at sa iba pang baybaying lugar sa Filipinas. Ngayon, ang mga halamang ito ay matatagpuan sa mga baybayin. Kung gaano man sa mga loobang dako lumaganap ang mga ito sa nakaraan ay hindi matiyak. Batid lamang na ang mga komunidad na naghahabi ng banig ang pook na masaganang kinatutubuan nitong mga hilaw na materyales.

Sa Upper Lasang, nakatagpo ang matematikal na katumpakan at estetikong kaliwanagan ni Estelita ng angkop na kauunlarang lugar. Kabilang siya sa mga taong nagtatamasa ng isang matatag na paggunitang kultural; halimbawa, ang paggamit bilang sangkap pangtina ng banakal ng punong may marangyang paglalagas ng bulaklak na marapat sa sarili nitong paglalarawan, ang mlasang. Isa itong lugar kung saan ang mga matatag na kababaihan, pawang manghahabi ng banig, ay nagkaroon ng lakas ng loob upang maging isang legal na samahan na mangangasiwa sa kanilang ugnayan at pakikitungo sa merkado. Lugar din ang Upper Lasang kung saan nasusuportahan ang sining ng isang babaeng tulad ni Estelita ng isang lalaki. Kaya tama rin na hindi iniintindi ni Estelita ang bansag na “Prinsesa”, upang hindi itangi o ibukod ang kaniyang sarili sa kaniyang paligid. Sa katunayan, nababagay siya bilang isang marikit na Prinsesa. Ngunit ang kaniyang pambihirang artistiko at sariling katangian ang kakayahan niyang makihalo sa kaniyang komunidad – kahit pa siya ay nagniningning.

Mga elemento at kasangkapan sa paghahabi


She was at birth, seventy two years ago, Labnai Tumndan. It was a recognizable name in the language, Blaan, spoken in the montane hamlet of Mlasang. Her extended family reckoned their place in relation to the mlasang, a tree that, once a year, flowers profusely, sheds the inflorescences immediately, and carpets abode and environment in magnificence all at once.

Mid-twentieth century in what are now the Mindanao provinces of Sarangani and South Cotabato, Blaan speakers—also called Blaan, like their language—took on the slow beginning of village life of some permanence. Their forebears had for centuries shifted domiciles systematically to regenerate land cultivated to wild rice and yams. Around the time of Labnai’s childhood, the small community understood their link to the Philippine political system to be vested in the new identity of Mlasang as Upper Lasang, a barangay of the municipality of Malapatan, in a province called Cotabato. Shortly after, this province was subdivided and Malapatan was absorbed into the new province of Sarangani.

The child Labnai, already precocious in mat weaving, took on the name Estelita in the 1950s. Protestant pastors had installed themselves among her people, had commenced fundamental social change. When Estelita married, becoming Mrs. Bantilan, she raised a family in the foreign faith.

But she kept to her mat weaving. She persisted where other women could not because her husband Tawada was atypically supportive. Estelita also carried on because mats were her gifts of choice to people she cherished. She was never wont to monetize her mats. She carved out considerable time from domestic and farming responsibilities to accomplish some of the biggest, most subtly beautiful mats to be seen anywhere in Southeast Asia today. And, from the evidence of the mats she makes today, Estelita has continued to cultivate a personal aesthetic through half a century.

“Princess”

In her old age, Estelita began to be called by a new nickname, Princess. The term of endearment is spoken with lightness of heart; also with genuine respect, especially from the other mat weavers of Upper Lasang.

There are at least half a dozen women of the village whose elevated skills in the art of the mat are recognized beyond even the Malapatan township. There are more who might have applied themselves to the discipline had personal circumstances been more congenial to taking up an art tradition that demands inordinate time and unusual powers of concentration.

Among them, however, and their families, there is happy agreement around Estelita’s superior gifts. Thus, their Princess: a worthy avatar of the entire community’s artistic heritage. The Upper Lasang women present their Princess to visitors as their star artist. They share the private joke and term of endearment—her princess-hood—as a fun part of many other matters collectively construed, realized, remembered, practiced, and celebrated.

Princess does not separate herself from the rest. While she knows she is good, there is little about her disposition and body language to suggest an outsized sense of self. During discussions, she recedes into the weavers’ group. At the end of any visit, she slips with dispatch into a home as austere as the rest. Beside her is, nearly always, her husband Tawada.

THE ART AND THE BODY

Like all mat weavers, Estelita’s entire body is her “loom.” The thin strips of the pandanus romblon (Pandanus copelandii merr. Bariu) emerge matrixed through deft fingers performing a personal rhythm, the beat seemingly guided by her eyes. The unwoven strips are held taut at the other end of her body, as toes curl and close around, not only these strips, but, as it were, the abstraction that other people call design. The arc of her torso determines the dexterity of feet and toes. Hand/eye coordination transpires within a frame of milliseconds.

Mats are woven with mental powers deployed to realize the mathematical possibilities of color and crossover movement, synaptically (nearly simultaneously) linked to foot and handwork—the operations mediated by or through the eyes—and no muscle, no thought, no strand nor strip, no inner sentiment, and no bodily posture can be outside an inaudible rhythm.

It is to achieve this gestalt that mat weavers necessarily maintain a profound poise. In Estelita’s case, however, the serenity and poise clearly shows in her person as fundamental to the artistry she exercises. She maintains the clarity in her eyes, the stillness of her mien, and her precise physical movements whether weaving, or discussing, or just listening. One takes in Estelita’s presence as demonstration of the inextricability of serenity from the art of the mat. Estelita’s demeanor—characterized by alertness, focus, and a calm that appears to permeate her entire body— is key to understanding mat weaving itself, among the Sarangani Blaan and the rest of the Filipinos who still know the art. It is an exercise of imagination within the parameters of a technology of making. The rigidity of the parameters is precisely what the weaver works with to play with surprising variation and compelling repetitiveness. To manage this maneuver between confinement and freedom, any good weaver needs the focused energy Estelita abundantly demonstrates. Except that in her case, a preternatural serenity appears to be the very source of genius.

PLACE

Upper Lasang is an interior zone barangay of Malapatan, which has a seaward orientation like the rest of Sarangani, The vast Sarangani Bay is as though cupped by the mountains of the province. Vistas of this big water dominate the experience of place to the Blaan of these parts. They are called coastal Blaan—distinct from the Blaan of Koronadal and Tampakan in South Cotabato who have a different dialectical variant of Blaan the language, and markedly different clothing ensembles in the past. Estelita’s community of weavers, now dependent on coconut plantings, were shifting agriculturists who exchanged extensively with Maguindanao travellers and communities along the coastline.

A great many features of the Blaan clothing ensembles from a century ago, now residing in museums and private collections, were objects of this exchange: notably, mother of pearl, glass beads, cotton cloth, and threads. Metal musical instruments and horses were also exchanged from Maguindanao traders with ikat-dyed cloth the Blaan made. The system involved reciprocal relations between speakers of different languages living in mountains vis-à-vis the coasts. Mats, too, figured in these relations in the past. Indeed Estelita’s focus on mats as prize gifts for people she cares for is a residual aspect of ancient reciprocation and exchange systems of island Southeast Asia.

Throughout most of the archipelago, mats are no longer embedded in socio-spiritual complexes. Their old, ubiquitous place in a Southeast Asian cosmology—whose overt facets involve the use of mats in all passages of human life, from birth to interment in mats—has for most part vanished. It is for this reason that Estelita’s unusually enduring relationship to mats for use and circulation outside the cash economy demands recognition. It is reasonable to think that her devotion to the idea of mats as gifts, rather than as commodities for sale, is the same concept of making that allowed her to refine her art to a technical and aesthetic sophistication vested in remarkable visual restraint.

She fortuitously lives in a place congenial to the growth of the plants she needs. Mat weaving in Sarangani is associated with the Malapatan community, which has persisted with a refined level of the practice. Aside from Estelita, her women friends in Upper Lasang do carry on, albeit oriented towards market. This persistence is facilitated by the continued growth of romblon and buri, two of the plant species that mat weavers have used in these and other coastal areas of the Philippines. These are coastal zone plants today. How far into interior areas they proliferated in, in the past, is uncertain. What is known is that the mat weaving communities are those where these raw materials grow abundantly.

In Upper Lasang, Estelita’s mathematical precision and aesthetic clarity found hospitable ground in which to thrive. She lives among people who enjoy strong cultural recollection; for instance, the use as dyestuff of the bark of the tree whose extravagant shedding of inflorescence deserved its own descriptive, mlasang. It is a place where strong women, mat weavers all, had the gumption to form themselves into a legal association to manage their affairs and dealings with market. Upper Lasang is also where a woman like Estelita can partner with a man supportive of her art. Estelita is therefore right to take the nickname “Princess” in stride, to not regard herself separate from her milieu. She makes for a beautiful Princess, in truth. But her remarkable artistic and personal attribute is her ability to vanish into her community — even as she shines out.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*